BANGUED, Abra – Masusi ang isinasagawang imbestigasyon ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Fire Protection (BFP) at pulisya sa pinagmulan ng sunog na tumupok sa bahay at furniture shop ni Manabo Vice Mayor Arturo Gayao, sa Barangay San Juan Norte, Manabo, Abra, nitong Miyerkules.

Nasa P10 million halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na nagsimula dakong 12:10 ng umaga.

Sinabi ni Abra Provincial Fire Marshall Rogelio Nigos na nakarekober sila ng ilang bote na hinihinalang pinagmulan ng sunog.

Ayon kay Nigos, dinala na sa crime laboratory sa Maynila ang mga nasabing ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri, upang matukoy kung sinadya o aksidente ang sunog.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Iniimbestigahan din ng pulisya kung may kinalaman sa eleksiyon ang insidente.

Naniniwala si Nigos na mabilis na kumalat ang apoy dahil sa yari sa kombinasyon ng kongkreto at kahoy ang bahay at furniture shop ng bise alkalde.

Wala namang iniulat na nasaktan sa sunog. (Freddie G. Lazaro)