AYON sa World Bank (WB), upang makamit ang inclusive growth at malabanan ang kahirapan, kinakailangan pagtuunan ng Pilipinas ang kaunlaran ng agriculture sector, ngunit sa ibang bagay nakatuon ang mga kandidato sa pagkapangulo.

Unahin ang agrikultura, pagdidiin ng World Bank. At Smorgasbord formula, para sa mga “presidentiable.”

Gayundin, ipinanawagan ng WB ang suporta para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pagbabawas ng halaga sa pagsisimula ng negosyo na nagiging sanhi ng pagkalagas ng halos P100 bilyong oportunidad taun-taon.

Yes sa maliliit na negosyo. No sa opportunity cost.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nagpalitan ng pananaw ang WB officials, business leaders, at “presidentiables” sa idinaos na 5th Arangkada Philippines Forum.

Isipin na ang mga maaaring mangyari, anila. Arangkada na tayo!

“Start with agriculture because a GDP growth originating in agriculture benefits the poor more,”payo ni Dr. Roger van den Brink, WB lead economist on poverty reduction and economic management for East Asia and the Pacific.

Sa madaling salita: Pagtuunan ang pagsasaka.

Pinagdiinan ng WB economist na sa kabila ng economic gains, nananatiling problema ang kawalan ng trabaho sa rural areas dahil hindi maganda ang kalagayan ng agrikultura dahil sa maling polisiya.

Ang mga ito ay nakakapagpataas n gating dugo.

Sinabi ng WB official na mas mapapabilis ang kaunlaran sa agrikultura kapag lumaki ang kinita ng mga magsasaka.

At maaaring maging sanhi ito ng murang bilihin, katulad ng gulay, prutas, at bigas.

Dagdag pa ng opisyal, kinakailangan agad bahugin at dagdagan ang agriculture at manufacturing policy.

Ayon pa sa WB, hindi naging matagumpay ang gobyerno sa pagpapababa ng presyo ng bigas. Nananatili itong pinakamahal kung saan nabibili ito sa halagang P35 kada kilo, habang Thailand at Vietnam, nabibili ang bigas sa halagang P15 kada kilo. (FRED M. LOBO)