Patay ang isang 22-anyos na rider habang sugatan ang dalawang kaangkas nito nang salpukin ng isang tanker ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Governor’s Drive, Barangay Sampaloc IV, Dasmariñas, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ni PO3 Nicolas Rosero ang nasawing biktima na si Renan Bendita Macaraeg, residente ng Bgy. Sto. Niño, Dasmariñas, Cavite.

Ang dalawang sugatang biktima ay sina Elaiza Jermoza Macsel, 21, ng 458 Durian St., Parañaque City; at Gemmarie Marquez Rose, 22, ng 344 Phase III, Gubayan St., Parañaque.

Napag-alaman mula sa imbestigador na basag ang bungo ni Macaraeg bunsod ng insidente habang sina Macsel at Rose ay isinugod sa De La Salle University Medical Center dahil sa tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Cory Aquino, inspirasyon sa makatarungan at tapat na pamamahala —Pangilinan

Lumitaw sa imbestigasyon na lulan ang tatlong biktima ng isang Yamaha motorcycle na walang plaka nang banggain ito ng isang Mercedes Benz Actros tanker truck (UYA-981), na minamaneho ni Judie Canete Balboa, dakong 3:20 ng hapon nitong Martes.

Agad na inaresto ng pulisya si Balboa at kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide, serious physical injury, at damage to property.

Ito ang ikalimang vehicular accident na sunud-sunod na nangyayari sa Cavite. (Anthony Giron)