Nakopo ng Far Eastern University ang No.3 spot sa men’s event ng UAAP Season 78 volleyball championship matapos patahimikin ang National University Bulldogs, 25-19, 23-25, 26-24, 25-20, sa pagtatapos ng first round elimination, kahapon sa San Juan Arena.

Nagtala ng tig-12 puntos sina Jeric Gacutan at John Paul Bugaon upang pangunahan ang Tamaraws sa 5-2 marka.

Nawalan ng saysay ang game-high 15 puntos at 13 puntos nina Madzlan Gampong at Kim Malabunga, ayon sa pagkakasunod dahil bumagsak ang Bulldogs sa 4th spot sa barahang,4-3.

Sa isa pang laro, winalis ng University of Santo Tomas ang De La Salle ,25-23, 25-21, 25-19, para umangat sa barahang 2-5.

Bumagsak naman ang Green Spikers sa 6th spot hawak ang barahang 1-6. (Marivic Awitan)

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!