NAMI-MISS na ni Derek Ramsay ang paggawa ng teleserye at gusto niyang maibalik ang Kidlat na karakter na ipinalabas sa TV5.
Pero nilinaw ni Derek ang isyu na tinanggihan niya ang fantaseryeng Ang Panday na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez at umeere na ngayon
“If I wanted to, I would say yes, but Panday is a great role. Actually, I was one of the chosen to do Ang Panday. But I did Kidlat na, and for me, that’s homegrown TV5, they gave me that project, my very first big project, parang binastos ko naman ‘yun kapag I’ll portray another superhero.
“My respect to Mr. Ray Espinosa (dating Presidente at CEO ng Mediaquest) who gave me that project, I can’t do that (Panday) and I know what is utang na loob for me to portray Kidlat wherever I go, iyon ang tawag sa akin ng mga bata kaya sabi ko, kahit na mahirap if kung bubuhayin nila si Kidlat, I’m willing to do it,” paliwanag ni Derek.
“Sabi ko nga, mapa-TV or mapa-movie gagawin ko, kasi nagri-rate ‘yun. Kaya sana ang next teleserye ko should be Kidlat kasi I strongly believe the character and it can rate kasi maski na mabibigat ang kalaban namin no’n, I think sa ABS-CBN ang kalaban namin was Coco Martin as Juan de la Cruz, and GMA, I think Bong Revilla, Jr., I forgot the title. And sa online votes, nanalo si Kidlat as superhero, kaya sayang kasi in the next three to four years, hindi ko na magagawa ‘yung mga fight scenes na ‘yun,” nakangiting pahayag ng aktor na kasama sa Happy Truck Happinas na magsisimula ang 3rd season sa Linggo, Marso 6.
Samantala, looking forward si Derek na muling makatrabaho si Bea Alonzo sa inihahandang bagong pelikulang gagawin nila sa Star Cinema.
“Nagkasama na kami ni Bea sa pelikulang And I Love You So at teleseryeng Magkaribal and it’s really nice to be reunited with Bea to do a project,” sabi ng aktor.
Si Shaina Magdayao naman ang leading lady niya sa My Candidate na idinidirihe ni Quark Henares under Quantum Films
na ipalalabas bago mag-eleksiyon.
“Something timing with the upcoming elections. Originally dapat si Jennylyn (Mercado) kaso busy siya so it’s Maja (Salvador) pero nagka-clash ang schedules namin, so si Shaina na. Mahusay na artista si Shaina,” kuwento ni Derek.
Malapit na rin nilang i-shoot ang balik-tambalan nila ni Anne Curtis sa Viva Films na may working title na Sino Si Ligaya.
“At may The Escort pa with Ellen Adarna under Regal Films,” say ni Derek.
At labis na siyang nagpapasalamat kay Kiray Celis dahil dinala raw silang lahat sa Love Is Blind.
“Ibang klase si Kiray, nadala niya kaming lahat sa movie. Hindi ka puwedeng magbagal-bagal kay Kiray dahil mawawala ka kaya dapat sumabay ka na lang sa kanya. Tuwang-tuwa nga si Mother (Lily Monteverde) dahil kumita talaga ang Love Is Blind,” masayang sabi pa ng aktor. (REGGEE BONOAN)