Ginapi ng Adamson Falcons, Manuel L. Quezon University Stallions, at Mapua Cardinals ang kani-kanilang karibal para makumpleto ang quarterfinal ng 12th Fr. Martin Cup Collegiate Open basketball tournament kamakailan, sa Far Eastern University gym.

Nadomina ng Falcons, pinangasiwaan ni Renren Ritualo, ang University of the East, tungo sa 64-46 panalo.

Nanaig naman ang Stallions sa Letran-B, 81-61, habang naungusan ng Cardinals ang College of St. Benilde, 57-55.

Nanguna na may tig-10 puntos sina Terrence Mustre at Papi Sarr para sa ikatlong panalo sa limang laro ng Falcons.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Sa iba pang laro, pinadapa ng Arellano Chiefs ang Letran-A Knights, 69-68, habang nagwagi via default ang Ateneo Blue Eagles kontra FEU.

Nanguna ang Chiefs sa Group B na may 5-0 marka.