SA pagpapatuloy ng aking column, narito ang mga kinakailangang gawin at panagutan ng pipiliin kong pangulo:

1) Bawasan ang lumulobong utang ng pamahalaan sa loob at labas ng bansa;

2) Huwag maglaan ng Pambansang Gugulin at gumastos ng higit sa kayang kitain ng gobyerno – tinaguriang “Balance Budgeting”;

3) Palakasin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pamumuhunan sa Industriyalisasyon – pagtatayo ng mga pabrikang naglalabas ng “finish products” na gawang Pinoy;

Night Owl

Kailangan mong bumoto

4) Palawigin ang micro at small, medium enterprises (MSMEs);

5) Pagpapatayo ng mga Export Processing Zones sa iba’t ibang rehiyon, lalo na sa mga naghihirap na lalawigan;

6) Isulong ang “Mini-Pagcor Cities” sa iba’t ibang parte ng bansa upang umunlad ang mga lalawigan;

7) Gawing libre ang mga paradahan sa mall basta may resibong maipapakita sa guwardiya;

8) Pagbuhay sa konsepto ng “Human Settlements” na tirahan sa “marginalized sector”;

9) Pagpapasinaya sa Mindanao Railway System;

10) Karagdagang tulay sa pagitan ng Pasig River;

11) Pagkukumpuni ng mga imbakan ng tubig sa buong bansa mula sa mga ilog, tubig ulan, at iba pa, upang magamit sa irigasyon at kontra tag-tuyot;

12) Pambansang komisyon sa Land use, zoning, urban development para hindi maging barado ang pag-usad ng mga istruktura sa lungsod at bayan;

13) Sumangguni sa U.P. College of Public Administration para bumilis ang proseso ng mga papeles, dagdagan ang mga ahensiya sa lalawigan, mawala ang “red tape”;

14) Programa para sa Pasig River, nawawalang estero, mga nakalalasong ilog sa iba’t ibang bahagi ng bansa;

15) Batas na mag-aatas sa bawat lungsod at bayan;

16) Pondohan ang mga State University at Science High School ng Scientist Visitors Program mula sa ibayong dagat;

17) Pahintulutan ang mga lokal na pamahalaan na maging “Employment Agency” sa mga dayuhang korporasyon.

At marami pang iba. Pero, hanggang dito na lang at baka matuto pa ang mga tagapagsaliksik ng mga kandidato.

(ERIK ESPINA)