Eight-division world champion Manny

Ginarantiyahan ng International Boxing Association (AIBA) si 8-division world champion Manny Pacquiao ng wildcard slot para sa Rio Olympics sa Agosto 5-21, sa Brazil.

Ito ang inihayag mismo ni Pacquiao sa isang panayam sa telebisyon kung saan maluwag nitong tinanggap ang alok at ang hamon na irepresenta ang Pilipinas sa prestihiyosong quadrennial Games.

“Tumawag mismo sa akin ang presidente ng international boxing at ginagarantiyahan niya na mabibigyan tayo ng isang wildcard slot para makasabak sa Olympics,” sambit ni Pacquiao.

Nagkaroon ng maiksing pagpupulong sina Pacquiao at AIBA President Dr. Ching-Kuo Wu noong sumabak ang delegasyon ng Pilipinas sa Olympic qualifying event na Asian Boxing Championships sa Doha, Qatar kung saan nabigo ang bansa na makakuha ng awtomatikong silya.

Lifehacks

Ayos lang bang kumain ng itlog araw-araw?

“Isang malaking pagkakataon ito para sa akin na irepresenta ang Pilipinas at karangalan na maiuwi ang unang gintong medalya ng Pilipinas,” sabi pa ni Pacquiao,inihayag ang libreng serbisyo para sa bansa.

“Walang bayad ito, libre para sa bansa natin. Alam naman ng lahat na walang premyo dito kundi ang prestihiyoso na manalo para sa bansa,” ayon kay Pacquiao.

Matatandaan na binuksan ng AIBA ang pintuan ng Olympics na dati ay para lamang sa amateur na mga boksingero nang ilunsad nila ang IBA Pro Boxing at AIBA World Series of Boxing.

Maliban dito, isinasagawa rin ang mga torneo na AIBA World Boxing Championship, AIBA Women’s World Boxing Championships, Olympic Games, Youth Olympic Games, AIBA Youth World Boxing Championships, AIBA Women’s Youth/Junior World Boxing Championships, AIBA Junior World Boxing Championships at Commonwealth Games.