Isinubasta kahapon ng Bureau of Customs (BoC) ang mga nasamsam na 118 container van ng Thai rice na may kabuuang halaga na P68,380,000.
May 14 na bidder ang lumahok sa subasta na isinagawa sa Manila International Container Port (MICP), na nakalikom ng kitang P68,450,280.
Ang mga isinubastang bigas ay nasamsam sa magkahiwalay na okasyon noong Nobyembre at Disyembre sa MICP. Nakapangalan ang mga ito sa Calumpit Multi-Purpose Cooperative at binabaan ng warrant of seizure and detention dahil sa kakulangan ng import permit mula sa National Food Authority (NFA).
Ang mga perang nalikom sa subasta ay inilagak sa trust fund habang nakabimbin ang apela ng consignee. (Mina Navarro)