Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa pagpatay sa area manager ng Motor Ace Philippines Inc. at mga tauhan nito, makaraan ang pananambang sa Pavia, Iloilo City kahapon.

Pinakilos ni Chief Supt. Bernardo Diaz, director ng Police Regional Office-6(PRO-6) ang Iloilo Provincial Police Office (IPPO) para kilalanin ang mga suspek na nasa likod ng pagpatay sa mga biktima sa Barangay Anilao, Pavia, Iloilo, kahapon ng umaga.

Namatay makaraang isugod sa West Visayas State University Medical Center ang biktimang si Michael Gabito, area manager, dahil sa tama ng bala sa didbdib.

Kinilala naman ng pulisya ang sugatang biktima na si Stephen Ylanan.

15 public schools sa Davao City, nagsuspinde ng face-to-face classes para sa kaarawan ni FPRRD

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Roger Patingo ng Pavia Municipal Police Station (PMPS), galing sa inuman ang dalawa nang magpahatid ang manager sa kanyang tauhan sa kanilang bahay sa Deca Homes sa Pandac Pavia, Iloilo.

Pagsapit sa naturang barangay, bigla na lang lumitaw ang mga suspek na sakay ng isang kotse at pinagbabaril ang mga biktima na magkaangkas sa motorsiklo.

 

Nasamsam sa crime scene ng anim na basyo ng bala ng calibre 45. (Fer Taboy)