CEBU CITY – Itinakda ng lokal na pamahalaan ng Cebu City sa Abril 2 ang isang mega job fair na bahagi ng pagsisikap nito para matulungang makahanap ng trabaho ang maraming Cebuano.

Ang 73rd Mega Job Fair, na pangungunahan ng Department of Manpower Development and Placement (DMDP), ay idaraos sa Cebu City Sports Center, ayon sa public information office ng pamahalaang lungsod.

Magsisimula ng 8:00 ng umaga at magsasara ng 5:00 ng hapon, magkakaloob din ng kani-kanilang serbisyo sa mga aplikante ang mga kinatawan ng Social Security System (SSS), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Office of the Cebu City Civil Registrar. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Tanggal angas! Viral pulis na nambugbog ng misis, sibak sa puwesto!