Walang makapipigil sa Adamson University sa pagtala ng kasaysayan sa UAAP softball.
Pinatalsik ng Lady Falcons ang La Salle Lady Archers, 4-2, para makalapit sa season sweep at makausad sa championship match sa ikaanim na sunod na pagkakataon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Nahila rin ng Adamson ang winning run sa 73 laro.
“We need to work hard to get every win. Mahaba pa ang tournament,” pahayag ni Adamson University coach Ana Santiago.
Hindi naman nagpahuli ang National University na lumapit sa target nilang twice-to-beat advantage sa semifinals kasunod ng kanilang abbreviated 12-2 panalo kontra University of the East para sa barahang 8-4.
Nanatili namang nasa kontensiyon ang University of Santo Tomas para sa No. 2 seed sa playoffs matapos magwagi sa University of the Philippines, 6-1.
Nanatili namang magkasalo sa 4th spot ang UP at De La Salle na may barahang 4-7.
Sa baseball, naisaayos ng four-peat seeking Blue Eagles at Green Archers ang championship showdown sa ikatlong sunod na taon matapos magwagi sa kani- kanilang katunggali.
Tinalo ng Ateneo ang UP, 11-10, habang iginupo ng De La Salle ang Adamson University, 4-1. (Marivic Awitan)