Julia copy copy

TINANONG sina Iñigo Pascual, Miles Ocampo, Kenzo Gutierrez, at Julia Barretto sa finale presscon ng kanilang serye kung nakaka-relate ba sila sa lyrics ng theme song nila.

“And I Love You So, siguro kung about family naman at ‘yung shadows always follow me, Marjorie Barretto is always following me,” tumawang sagot ni Julia. “Because it won’t set me free. So doon po ako nakaka-relate, ha-ha-ha.”

Hirit naman ni Miles, “Ako rin siyempre kay Mudra, nakaka-relate, ikaw din Iñigo kay Papa P (Piolo Pascual). Ikaw Kenzo kanino sa parents mo?” At tumango naman ang baguhang aktor.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Sa madaling sabi, bantay-sarado ang apat na bagets ng magulang nila lalo na kapag usaping tungkol pag-ibig.

“It is better to have someone guiding us po kasi hindi po namin alam na it is better to have advise from people who’s been there. Marami pa po kaming pagdadaanan,” paliwanag ni Iñigo.

Wala pa raw experience si Miles pagdating sa love.

“Wala pa po akong experience kaya ang love nana-experience ko pa lang ay love from my friends and family, ‘yun pa lang po.”

Si Kenzo, “marami pa pong pagdadaanan.”

“Marami pa pong pagdadaanan, ha-ha-ha,” gaya-gayang sagot ni Julia.

Marami pa sanang gustong itanong ang entertainment press kay Julia pero pagkatapos ng Q and A presscon ng And I Love You So finale ay kaagad na siyang hinila ng handler niya.

Hmmm, hindi kaya utos din ni Julia na hilain siya kaagad para hindi siya matanong o makunan ng reaksiyon tungkol kay James Reid na opisyal nang boyfriend ni Nadine Lustre?

Na-link kasi sina Julia at James kamakailan at napadalas ang write-ups na lagi silang magkasamang gumigimik sa iba’t ibang bars.

Samantala, nagkasakitan pala sina Miles at Julia na gumaganap bilang Joana at Trixie sa eksenang naglalaro sila ng volleyball.

“’Yung eksena ay nangyari sa volleyball court,” kuwento ni Julia. “‘Yung parang masyado niyang dina-down ang nanay ko. Di ba, ‘yung character ni Trixie, kapag ang mahal niya sa buhay ang inaapi ay lalaban talaga siya. ‘Yun ‘yung time na sinabihan niya ang nanay ko na manggagamit ‘tapos akala niya hindi ako lalaban.

“Sinampal ko ho siya, sinampal din niya ako,” sey naman ni Miles.

Kung mangyayari ito sa totoong buhay, ganito ba ang gagawin nina Julia at Miles sa isa’t isa?

“Kung siguro ako naman hindi ako gumaganti pero gumagawa ako ng aksiyon na alam kong tama. Hindi ko siya papatulan talaga,” sagot ni Miles. “Kasi for me, sa mga nang-aaway sa ‘yo, bakit mo naman ida-down ang sarili mo para sa kanila? Hindi mo naman dapat pantayan pa sila kasi ikaw sa sarili mo confident ka na wala kang ginawang masama, eh, di okay na po ‘yon.”

Samantala, kung lahat ay galit at minumura si Trixie, ang karakter na ginagampanan ni Julia, kabaligtaran naman siya dahil gustung-gusto raw niya ang pagiging mean niya sa istorya.

“I’m so excited, I really really did,” masayang sabi ng aktres. 

Enjoy daw siya sa papel niyang maldita maski na hindi naman daw siya talagang ganu’n, bagay na ikinatawa ng mga kasama niya sa serye.

Anyway, abangan ang nalalapit na pagtatapos ng And I Love You So sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. (REGGEE BONOAN)