ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Nakakalat ang mga kontrabida today, dapat alam mo kung sinu-sino ang iiwasan.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Doble ingat ka ngayon sa pagkakamali, magkakaroon ka ng typos and errors. Ingat!

Human-Interest

State university, naglabas ng pahayag tungkol sa viral post ng estudyante nila

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Busy ka ngayon sa pagiging social at inquisitive; paiiralin mo ang common sense over emotions. Tuloy mo lang ‘yan.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Hindi naman kailangang magbaba ng standard, pero iwasan mong maging sobrang ambisyoso. Lumilihis ka na sa target.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Dahil masyado kang relaxed ngayong araw, mawawala ang critical filter sa pagtanggap ng isang mahalagang impormasyon.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Mahalaga sa ‘yo today ang maliliit na bagay na nakaaapekto sa iyong trabaho. Please, maging productive ka naman.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Magdamag kang busy sa socializing sa paghahanap sa isang mahalagang information. Walang nababanaag na success sa iyong crystal ball.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

May confrontation ka today sa iyong kapitbahay, o katrabaho, o boss. Basta, humanda sa mainitang debate. Iwasang dumanak ang dugo.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Para kang artista sa pagganap sa role ng isang informant, consultant, o defender of ideas. Palolobohin nito ang iyong ego.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Iwasang maging mautos ngayon. Kaya mong i-accomplish ang trabaho kahit walang tulong ng iba.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Mae-enjoy mo ang araw na ito kasama ang isang mahal sa buhay.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Puro intellectual activities ang pagkakaabalahan mo today. Huwag kalilimutang bitbitin ang cell phone bago lumabas ng bahay.