Dennis Heart copy

NAIIBA ang title ng bagong show sa GMA-7 na muling pagtatambalan nina Dennis Trillo at Heart Evangelista na unang nagkatrabaho sa telefantasyang Dwarfina.

Juan Happy Love Story ang sexy naughty romantic-comedy series na ipalalabas sa primetime block ng GMA-7, simula sa April 4. Makakasama nina Dennis at Heart sina Ms. Gloria Romero, Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Erika Padilla, Dominic Roco, Vincent Magbanua, mula sa direksiyon ni LA Madridejos.

Ang sagot ng napagtanungan namin kung bakit ganoon ang title ng serye, kasi raw ang name ni Dennis ay Juan, si Heart naman si Happy, at ang pangalan ng magiging daughter nila ay Love.

Human-Interest

Guro sa Iligan City, may pa-classroom pantry

Napakasaya at excited nga raw ang lahat sa story conference na dinaluhan ng buong cast at ni Direk LA lalo na sina Dennis at Heart dahil totally ibang-iba ang characters na ginampanan nila kumpara sa katatapos lamang nilang drama series.

“Tumama sa gusto kong bagong character ang project,” sabi ni Dennis. “Masyado akong na-drain sa character ko noon sa My Faithful Husband, na lagi akong umiiyak at galit sa eksena. Dito, light romantic comedy ang story namin at tiyak na magugustuhan ito ng mga tagasubaybay ng GMA series.”

“Thankful din ako dahil tulad ni Dennis, masyado ring draining ang mga eksena ko noon sa Beautiful Strangers namin nina Lovi Poe, Christopher de Leon,” sabi naman ni Heart. “At nakakatuwa kasi muli kaming magsasama ni Tita Gloria.”

Nagsimula na ang taping nila dahil malapit na ang Holy Week at stop-work sila at pagbalik nila mula sa Lenten break ay pilot telecast na ng Juan, Happy, Love Story. (NORA CALDERON)