VERY honored si Derrick Monasterio sa pakikipagtrabaho kay Laurice Guillen sa Hanggang Makita Kang Muli.
First time niyang maging director ang premyadong si Direk Laurice at itinuturing niya na malaking oportunidad itong ipinagkaloob sa kanya na dapat niyang ipagpasalamat sa GMA Network .
Ayon kay Derrick, marami siyang natututuhan kay Direk Laurice pagdating sa pag-arte kaya tuwing taping ay pinagbubutihan niya ang kanyang trabaho at tinitiyak niya na handa siya sa lahat ng eksena.
“Natutunan ko kay Direk na mahalaga na kabisado mo ‘yung script mo, at na-visualize mo ‘yung character mo, dahil magta-translate ‘yun sa eksena, para realistic ang pagganap mo sa character,” masayang sabi ni Derrick na leading man ni Bea Binene sa Hanggang Makita Kang Muli na pilot airing na sa Lunes, Marso 7.