Ronnie Del Carmen copy

Ipinagbunyi ng Malacañang ang pagkapanalo ng pelikulang “Inside Out” na co-director ang Filipino-American na si Ronnie del Carmen, bilang Best Animated Feature Film sa 88th Academy Awards sa California, USA, nitong Linggo.

“We extend our congratulations to Ronnie del Carmen, co-director of the Oscar award-winning animated feature film ‘Inside Out’,” pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr.

Sinabi ni Coloma na ito ay patunay na “world-class” ang talento ng mga Pinoy.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“His achievement exemplifies the talent and creative genius of the Filipino that continues to reap global recognition,” ayon kay Coloma.

Isinilang sa Cavite noong Disyembre 31, 1959, nagtapos si Del Carmen sa University of Sto. Tomas sa kursong Fine Arts in Advertising.

Habang nasa Amerika, nagtrabaho si Del Carmen bilang storyboard artist ng pelikulang “Batman: The Animated Series” at story supervisor ng DreamWorks.

Nagtrabaho rin siya sa Pixar Animation Studios noong 2000, bilang story supervisor sa “Finding Nemo”, storyboard artist sa “Ratatouille”, at “Wall-E”, at story supervisor sa “Up.”

Inialay ni Del Carmen ang kanyang natanggap na Oscar award sa mga kapwa Pinoy na kanyang hinimok na ipagpatuloy ang kanilang pangarap, kahit ito ay mukhang imposible. (Madel Sabater Namit)