Hahamunin ng sumisikat na si Romel Oliveros ang walang talong si WBC Youth world flyweight champion Daigo Higa sa Sabado, sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Lumasap ng unang pagkatalo sa puntos ang 20-anyos na si Oliveros noong Disyembre 5, 2015 laban sa beteranong si Takayuki Okomoto sa Osaka pero binigyan siya ng WBC ng pagkakataon na hamunin ang katulad niyang batang fighter na si Higa.

May perpektong record si Higa na may record na 8-0 na pawang knockouts kaya tiyak na mapapasabak si Oliveros na may kartang 6-1 at isang draw.

Huling naidependa ni Higa ang kanyang titulo nang mapatigil sa ikalimang round si Pinoy boxer Renren Tesorio sa Tokyo noong nakaraang Nobyembre 7.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang unang malaking laban ng tubong Siquijor na si Oliveros na umaasang magwawagi para makapasok sa WBC rankings.

Sa undercard, makakasagupa naman ni one-time Philippine minimumweight challenger Bimbo Nacionales si Japanese Ryuto Maekawa sa 8-round flyweight bout. (Gilbert Espeña)