Sisimulan ngayong Miyerkules ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 3-in-1 clean- up drive sa tinukoy na flood-prone areas sa Metro Manila bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan, kahit na hindi pa nga nararamdaman ang summer season.

Ayon kay Director Baltazar Melgar, ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office, lilinisin ng mga tauhan ng ahensiya ang mga estero, daluyan ng tubig, at mga palengke sa Metro Manila.

Bukod dito, magkakasa rin ang MMDA ng Lingap sa Barangay.

Sisimulan ng MMDA ngayong Miyerkules ang paglilinis sa ilang estero sa Maynila, partikular ang Obrero Public Market, North at South Antipolo Canal, at Estero de Kabulusan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Tiniyak ni Melgar na magpapatuloy ang paglilinis sa 273 estero sa Metro Manila hanggang sa tag-ulan. (Bella Gamotea)