Sinalubong agad ng sunog ang unang araw ng Fire Prevention Month ng Bureau of Fire Protection (BFP), makaraang tupukin ng apoy ang apat na apartment sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa report ng Caloocan City-BFP, dakong 2:00 ng umaga nagsimula ang sunog sa dalawang-palapag na apartment ng pamilya Enriquez sa Guadalupe Street, Morning Breeze Subdivision sa Barangay 83.

Nabatid na ang sunog ay bunsod ng cell phone na naiwang naka-charge ng nangungupahang si Ricky Arevalo.

Dahil malakas ang hangin, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay ang tatlo pang apartment na katabi nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagkanya-kanya ng pulasan palabas ng bahay ang mga tenant bitbit ang ilan nilang gamit, habang nasugatan naman sa kamay ang residenteng si Angelbert Tienzo, dahil sa pagmamadaling mailabas ang kanilang LPG tank sa takot na sumabog ito.

Dakong 3:30 ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog, na tumupok sa P4 milyon halaga ng ari-arian.

(Orly L. Barcala)