NYU Tisch School Of The Arts 2015 Gala

PINAKASALAN na ni Michael C. Hall ang kanyang nobyang si Morgan Macgregor nitong nakaraang Lunes.

Ang cute na magkasintahan ay nagpalitang ng “I do” sa New York City Hall, kinumpirma ng tagapagsalita ng aktor sa ET.

Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring karagdagang detalye sa naganap na kasalan.

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

Sina Hall, 45, at Macgregor, isang Los Angeles-based book reviewer at novelist, ay nagsimulang mag-date noong 2012.

Una silang nakitang magkasama sa red carpet ng Emmy Awards noong 2012.

Ito ang ikatlong pagpapakasal ng Golden Globe winner, na matatandaang unang ikinasal sa aktres na si Amy Spangler mula 2002 hanggang 2007, at sa dating Dexter co-star na si Jennifer Carpenter mula 2008 hanggang 2011. (ET Online)