Taliwas sa isinusulong na pantay na karapatan ng kabaabihan sa International Olympic Committee (IOC), tinabla ng Malaysian SEAG organizer ang babaeng atleta dulot ng pag-aalis sa mga event para sa kanila sa 29th Edition sa Kuala Lumpur sa 2017.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) Treasurer at SEAG Federation Council Member Julian Camacho sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s, Malate, na inalis ang mga event sa torneo kung saan tampok ang mga kababaihan.

“Boxing will only be for the men, inalis nila ang women at pati na rin sa weightlifting,” sabi ni Camacho.

Inaasahang agad na mawawalan ng gintong medalya ang Pilipinas dahil sa pag-aalis ng kategorya sa kababaihan kung saan hindi makakasali ang tatlong babaeng boxer na sina Nesty Petecio, Josie Gabuco at Irish Magno pati na rin ang 2-time Olympian na si Hidilyn Diaz sa women’s weightlifting.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“We already sent out advisory notes to all our national sports association that is included in the sports to be played in SEA Games to submit immediately their appeal for additional event as early as March 9,” pahayag ni Camacho.

Ipinaliwanag pa ni Camacho na mismong ang kanyang kinaaaniban na Wushu ay problemado rin sa mga itinakdang na mga event ng Malaysia SEA Games Organizing Committee dahil sa pag-aalis sa Sanda. (ANGIE OREDO)