Nilagdaan ng Japan ang isang kasunduan nitong Lunes na magsu-supply ng defense equipment sa Pilipinas, ang unang Japanese defense pact sa rehiyon kung saan naaalarma ang mga kaalyado ng U.S. sa pag-abante ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo.

Sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang kasunduan na kanilang nilagdaan ni Japanese Ambassador to Manila Kazuhide Ishikawa, ay nagbibigay ng framework para sa pagsu-supply ng defense equipment at teknolohiya at magpapahintulot sa mga bansa sa Asia na makapagsagawa ng joint research at development projects.

Ang mga pag-uusap sa hinaharap ang magpapasiya kung anong defense equipment ang maaaring i-supply, kahit na sinabi ni Gazmin sa mga reporter na unang inialok ng Japan ang surveillance aircraft.

“This agreement would really substantiate the Philippines and Japan being strategic partners,” pahayag ni Gazmin sa signing ceremony sa Department of National Defense sa Manila. “Let me stress that what underpins this agreement is not only our desire to enhance our respective defense capabilities but also to contribute to regional peace and stability.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Hindi binanggit ng magkabilang panig ang mga agresibong galaw ng China sa karagatan na ikinababahala ng mundo.

“It’s not directed against any country,” diin ni Gazmin sa bagong defense deal nitong Sabado. (AP)