MAGDARAOS ang World Bank ng isang $20-million subasta para sa carbon credits mula sa mga proyekto na layuning mabawasan ang methane emissions, nag-aalok ng hanggang sampung beses ng halaga nito sa merkado.

Gagawin ang subasta, na itinakda sa Mayo 12, sa panahong nananamlay ang pamumuhunan sa mga proyektong magbabawas ng carbon emissions, alinsunod sa mga programa ng United Nations, habang pinagdedebatehan ng mga bansa ang disenyo ng bagong pandaigdigang climate pact na ipatutupad sa 2020.

Ang methane ang itinuturing na pinakamapanganib na greenhouse gas na ang potensiyal sa pagpapataas sa pandaigdigang temperatura ay 25 beses na mas mataas kaysa carbon dioxide.

Ang tinatawag na Pilot Auction Facility ay mag-aalok ng presyo na maaaring isailalim sa negosasyon, o kaya naman ay strike price na $3.50 kada tonelada para sa pagbabawas sa carbon dioxide emission, kumpara sa kasalukuyang presyo na nasa 0.35 euros ($0.38).

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Magtatakda ng bid ang mga partisipante sa premium na handa nilang bayaran para sa mga kontrata at ang premium bid ay magsisimula sa $0.06 kada tonelada.

Noong nakaraang taon, nagkasundo ang mga negosyador mula sa halos 200 bansa na dumalo sa makasaysayang climate talks sa Paris, France, na susuportahan ang pandaigdigang kalakalan ng carbon credits bilang bahagi ng bagong kasunduan.

Gayunman, hindi pa napagkakasunduan ang mga gagamiting patakaran, gayundin ang uri ng proyekto na maaaring saklawin nito.

Sa unang subasta ng World Bank noong Hulyo ng nakaraang taon, 12 nanalo ang nagseguro ng $2.40 per credit para sa kabuuang 8.7 milyong credits. (Reuters)