Gaya ng Department of Education (DepEd), nais ng isang paring Katoliko na hindi mahaluan ng pulitika ang graduation rites sa mga eskuwelahan.

Sinabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Public Affairs Committee, na dapat na walang halong pulitika ang graduation dahil ito ay “moment for graduates and not for politicians”.

Aniya, dapat na protektahan ang mga estudyante mula sa “political gimmickry of candidates”.

Gayunman, ipinauubaya pa rin ni Secillano sa pangasiwaan ng mga eskuwelahang Katoliko ang desisyon kung mag-iimbita ang mga ito ng mga pulitiko bilang tagapagsalita.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, ipinaliwanag ng isang opisyal ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na may kalayaan ang mga miyembro nilang paaralan para magdaos ng mga socio-political discussion.

Sa isang order ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Education Secretary Bro. Armin A. Luistro na hindi dapat na mahaluan ng pulitika ang mga graduation ceremony, partikular ng alinmang may kinalaman sa kampanya, upang mapanatili ang neutrality at non-partisanship ng mga eskuwelahan. (LESLIE ANN G. AQUINO)