Marso 2, 1978 nang nakawin ang bangkay ng comic actor na si Sir Charles Spencer “Charlie” Chaplin mula sa isang sementeryo sa Corsier-sur-Vevey, malapit sa Lausanne, Switzerland. Pumanaw siya noong Disyembre 25, 1977, sa edad na 88.

Hiningan ng ransom na aabot sa $600,000 ang biyuda niyang si Oona, kaya isinailalim ng pulisya sa monitoring ang telepono nito at ang 200 phone kiosk.

Gayunman, tinatakot si Oona ng caller na sasaktan nito ang dalawa niyang anak matapos niyang tumangging ibigay ang hinihinging pera.

Inimbestigahan ng mga pulis ang kaso sa loob ng limang linggo, hanggang sa maaresto ang dalawang mekaniko na sina Roman Wardas (ng Poland) at Gantscho Ganev (ng Bulgaria). Sinabi nilang ang bangkay ni Chaplin ay inilibing sa maisan na malapit sa tahanan ng pamilya ni Chaplin.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'