Hindi lamang si one-time world title challenger Chris Avalos ng United States na kakasa sa sumisikat na si Albert Pagara ng Pilipinas ang naka-line-up sa undercard ng pagdepensa ni WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. laban kay Hungarian Zsolt Bedak sa Cebu City Sports Center sa Abril 23.

Idinagdag na rin ni Top Rank big boss Bob Arum sa fight card ang pangalan ni Jessie Magdaleno, nakalistang No. 1 contender sa WBO super bantamweight.

Naunang inihayag ng Top Rank ang sagupaan nina WBO No. 2 Pagara at Avalos bilang pampaganang laban sa pinakamalaking laban ni Donaire na gaganapin sa kauna-unahang pagkakataon sa Cebu City.

Kilala si Avalos, tumalo sa mga bigating Pinoy boxer na sina ex-interim WBA superf lyweight champion Drian Francisco, long-time OPBF champion at one-time world title challenger Rolly Lunas at Rey Perez, na mabilis at malakas na fighter kung kaya’t akmang-akma siya sa istilo ni Pagara.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Hindi pa tinutukoy ng Top Rank ang makakaharap ni Magdaleno na nakalista ring No. 3 sa WBA, No. 5 sa IBF at No. 10 sa super bantamweight rankings pero mas maganda kung mairereto siya sa dating pambato ng ALA Promotions na si WBO No. 3 at IBF No. 9 Genesis Servania o kay WBO No. 6 Juan Martin Elorde.

May plano rin si Donaire na magbalik sa featherweight division kapag matagumpay na naidepensa ang korona kay Bedak kaya kapag nabakante ang titulo ay maghaharap sina Magdaleno at Pagara para sa kampeonato. (Gilbert Espeña)