Tumitindi ang labanan sa ginaganap na 2016 Thunderbird Enertone Challenge 5-Cock Derby sa pagpapatuloy ng 2-cock elimination ngayon sa San Pascual Cockpit (Batangas City) at Las Piñas Coliseum.

Matatandaang 163 entry ang naglunsad ng kampanya sa apat na araw na elimination sa nakalipas na buwan sa magkakahiwalay na ratsadahan sa San Juan Coliseum, Tarlac at Las Piñas.

Sa ikalawang taon ng programa, garantisado ang tumataginting na P2.5 milyon sa napakababang entry fee na P3, 000 plus 20 empty na pakete ng Enertone.

Nakatakda ang iba pang elimination sa Sta. Monica Cockpit (Novaliches), Marso 3; New Tarlac Coliseum, Marso 6; San Nicolas Cockpit (Ilocos Norte), Marso 11; Fantastic Coliseum (Alaminos, Laguna – GBLAG), Marso 11; at Magic Island Cockpit Arena (Botolan, Zambales) sa Marso 11.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Nakatakda ang 2-cock preliminaries sa Tayabas Cockpit, Tayabas, Quezon (Marso 12); Tugot Cockpit Arena, Baggay, Cagayan (Marso 12); Malvar Sports Complex, Batangas (Marso 12); Abucay Cockpit, Bataan (Marso 14); Tanay Cockpit, Tanay, Rizal (Marso15) ; Las Pinas Coliseum (Marso 16); Luisiana Cockpit, Laguna (Marso 16); San Fernando Sports Complex, San Fernando, La Union (Marso 16) at Sta. Monica, Novaliches, QC (Marso 17).

Naka-line-up din ang Santa Square Arena, Santa, Ilocos Sur (Marso 18); Cabuyao Coliseum, Laguna (Marso 18); Cagsawa Cockpit Arena, Daraga, Albay (Marso 19) ; Twin Creek Cockpit Arena, Bgy. Pingit, Baler, Aurora (Marso 20) at SBMA Cockpit, Olongapo (Marso 20).

Gaganapin sa Roligon Mega Cockpit ang 2-cock eliminations sa Marso 17, 27. 29 & 31, habang ang 3-cock championship ay nakatakda naman sa parehong sabungan sa April 3.

Sa paanyaya ni Ka Lando Luzong, aabante sa kampeonato ang isang kalahok kung makakaiskor ito ng dalawang panalo o dalawang puntos sa elimination.