Pinatawan kahapon ng Sandiganbayan ng pagkakakulong ang tatlong dating opisyal ng Department of Finance (DoF) at dalawang pribadong indibiduwal dahil sa kasong graft at estafa kaugnay ng pagkakasangkot sa tax credit scam.

Sa desisyon ng 5th Division ng anti-graft court, ipinakukulong sina Deputy Executive Director Uldarico Andutan, Jr., Supervising Tax Specialist Raul de Vera, at Senior Tax Specialist Rosanna Diala, pawang nakatalaga sa One-Stop-Inter-Agency Tax Credit and Duty Drawback Center ng DoF.

Kasamang ipinakukulong sina Mukesh Uttamchandani, may-ari ng Precision Garments International (PGI), at Olivia Demetrio, manager ng kumpanya.

Ang mga nabanggit na indibiduwal ay napatunayang sangkot sa P27.8 million tax credit ng PGI noong 1998, sa kabila ng pagsumite ng kumpanya ng kahina-hinalang papeles, na nagpapahintulot ditong maibenta ang tax credit sa Steel Asia Manufacturing Corporation.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinuspinde naman ng korte ang pagpapalabas ng resolusyon sa kaso ni dating Finance Undersecretary Antonio Belicena dahil sa kawalan nito ng kakayahan na humarap sa paglilitis bunsod ng dementia, isang uri ng sakit na may kaugnayan sa pagtanda. (Rommel P. Tabbad)