Nagpamalas si Calvin Abueva ng solidong laro sa nakaraang dalawang mabigat na pagsabak ng Alaska Aces noong nakaraang linggo upang makamit ang kanyang unang Accel-PBA Press Corps Player of the Week award sa ginaganap na Oppo-PBA Commissioner’s Cup.

Tinaguriang “Beast”, ang undersized Alaska forward ay muling nagpakita ng kanyang tatak na “ hustle” mula pa noong kanyang college days na nagbigay-daan upang makamit ng Aces ang dalawang malaking panalo kontra defending champion Tropang TNT at Rain or Shine, ayon sa pagkakasunod.

Noong Miyerkules, nagposte ang 6-foot-1 na si Abueva ng 11 puntos at anim na rebound sa kabila ng maagang pagkakalagay sa foul trouble upang tulungan ang Alaska sa come-from-behind 108-100 panalo kontra TNT.

Tatlong araw matapos ito, ang dating PBA Rookie of the Year ay nagtala ng personal conference-best output na 25 puntos, walong rebound, dalawang assist at dalawang steal para giyahan ang Alaska kontra Rain or Shine, 128-102.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakamit ng 28-anyos na si Abueva ang PBA Press Corps Player of the Week award matapos ungusan ang kakamping si Vic Manuel, Chito Jaime ng Mahindra, Marcio Lassiter ng San Miguel at Greg Slaughter ng Barangay Ginebra.

(MARIVIC AWITAN)