Sa paggunita sa Fire Prevention Month, nananawagan si Quezon City Fire Marshall F/Senior Supt. Jesus Fernandez sa publiko na magkusang alisin ang mga fire hazard o mga bagay na posibleng pagmulan ng sunog sa kanilang mga lugar.

Binigyang diin ni Fernandez na responsibilidad ng mamamayan na tiyaking ligtas sa sunog ang kanilang mga tahanan.

Nagbigay siya ng ilang halimbawa upang maiwasan ang sunog, gaya ng pagbabantay sa niluluto, gasera at kandila na pangunahing pinagmumulan ng apoy.

Nanawagan din ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga residente ng Quezon City na laging ipasuri sa electrical technician ang wiring ng kuryente lalo sa mga dikit-dikit na bahay at yari sa kahoy.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binanggit ni Fernandez ang ilan sa mga aktibidad ng Quezon City Fire Department kaugnay sa pag-iwas sa sunog simula ngayong unang araw ng Marso, tulad ng malawakang inspection at awareness program laban sa sunog na kanilang isinagawa sa mga business establishment at barangay. (JUN FABON)