DAVAO CITY – Nasa 12 katao ang nasawi habang pitong iba pa ang nawawala sa pagragasa ng baha at pagguho ng lupa sa loob ng isang mining tunnel sa Purok 3, Mt. Diwata sa Monkayo, Compostela Valley, nitong Linggo ng umaga.

Iniulat kahapon ng pamahalaang panglalawigan at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na tuluy-tuloy ang search at rescue operations sa S1 Destino ng Australia Tunnel sa Purok 3, Mt. Diwata sa Monkayo.

Karamihan sa biktima ay mga minero na hindi nakalabas sa loob ng tunnel matapos na rumagasa ang baha at gumuho ang lupa sa loob, ayon sa ulat.

Kinilala ng Monkayo Municipal Information Office ang limang nakaligtas sa sakuna na sina Aljun Dumalaga, Oliver Ugarap, Carlito Morado, Alberto Agyang, at Angelito Tano.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hanggang kahapon ng tanghali ay iniulat na nawawala sina Bryan Monsoon, Gilbert Bayot, Reynante Gemino, Roel Dacaldacal, Pepe Mendoza, Reymart Pagaret, at Richard Monsoon.

Sinisikap pa ng awtoridad na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga iniulat na nasawi sa insidente. (ALEXANDER D. LOPEZ)