Leonardo DiCaprio

LOS ANGELES - Sa wakas, napanalunan na ni Leonardo DiCaprio kahapon ang naging mailap sa kanyang Oscar Award, iniuwi ang best actor statuette para sa kanyang pagganap sa pelikulang The Revenant.

Si Leonardo, 41, ay apat na beses nang naging nominado sa Oscars sa buong 25 taon ng kanyang career. Ngayong taon, siya ang naging paborito para manalo ng Academy Award sa kanyang mahirap na pagganap sa papel ng isang fur trapper na inabandona para mamatay sa nagyeyelong kagubatan matapos siyang atakehin ng isang oso.

Binata pa ngunit napakaraming naging girlfriend na supermodel, isa si Leonardo sa pinakamahuhusay na aktor sa mundo, na aktibo rin sa pagsusulong ng mga kampanyang pangkalikasan, gayundin para sa kapakanan ng mga katutubo.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa kanyang acceptance speech, binigyan ng standing ovation si Leonardo sa kanyang sinabing, “Let us not take this planet for granted. I do not take tonight for granted.”

“Our production needed to move to the southern tip of this planet to find snow. Climate change is real, it is happening now. It is the most urgent threat facing our entire species and we need to work collectively together, and we need to support leaders around the world who do not speak for the big polluters and the big corporations but who speak for all of humanity.”

Nauna nang nanalo si Leonardo ng best actor sa Golden Globe at Screen Actors Guild para sa nasabing pagganap, na mula sa kinakikiligang heartthrob sa mga pelikulang Titanic at Romeo + Juliet ay napanood bilang nanlilimahid na 1820s fur trapper na bahagya nang makapagsalita nang hablutin ng oso ang kanyang lalamunan.

Natanggap ni Leonardo ang kanyang unang Oscar nomination noong 1994 para sa supporting role niya bilang binatilyong mentally challenged sa What’s Eating Gilbert Grape.

Hindi pinansin ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences ang mga romantiko niyang pagganap sa Romeo + Juliet at Titanic, at 10 taon pa ang lumipas bago siya muling naging nominado sa Oscar para sa kanyang mahusay na acting bilang ang obsessive-compulsive na si Howard Hughes sa The Aviator.

Umani rin ng mga nominasyon ang mga pelikula niyang Blood Diamond (2006) at The Wolf of Wall Street (2013), pero walang iniuwing tropeo si Leonardo.

At bagamat umani ng best picture award sa sunud-sunod na awarding ceremonies nitong mga nakaraang buwan, nabigo ang The Revenant na kilalaning pinakamahusay na pelikula na iginawad sa Spotlight.

Gayunpaman, ang direktor ng The Revenant na si Alejandro G. Inarritu ang nanalong best director.

Narito ang listahan ng mga nagwagi sa 88th Academy Awards nitong Linggo, sa Los Angeles, California.

Best Picture: Spotlight

Actor: Leonardo DiCaprio, The Revenant

Actress: Brie Larson, Room

Supporting Actor: Mark Rylance, Bridge of Spies

Supporting Actress: Alicia Vikander, The Danish Girl

Directing: Alejandro G. Inarritu, The Revenant

Foreign Language Film: Son of Saul

Adapted Screenplay: The Big Short

Original Screenplay: Spotlight

Animated Feature Film: Inside Out

Production Design: Mad Max: Fury Road

Cinematography: The Revenant

Sound Mixing: Mad Max: Fury Road

Sound Editing: Mad Max: Fury Road

Original Score: The Hateful Eight

Original Song: Writing’s on the Wall para sa Spectre

Costume Design: Mad Max: Fury Road

Documentary Feature: Amy

Documentary (short subject): A Girl in the River: The Price of Forgiveness

Film Editing: Mad Max: Fury Road

Makeup and Hairstyling: Mad Max: Fury Road

Animated Short Film: Bear Story

Live Action Short Film: Stutterer

Visual Effects: Ex Machina

Reuters, Associated Press