Pinangunahan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglilipat at paghahatid sa mga labi ni dating Pangulong Elpidio Quirino sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Kasama rin ang pamilya Quirino, si dating Pangulong Fidel Ramos at ilang miyembro ng diplomatic corps at military service command sa isinagawang funeral march.

Isinabay ito sa ika-60 anibersaryo ng pagkamatay ni Pangulong Quirino, na pumanaw sa atake sa puso sa kanyang bahay sa Novaliches, noong Pebrero 29, 1956.

Si Quirino ay nagsilbing pangulo ng bansa mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. (Bella Gamotea)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador