BOGOTA, Colombia (AP) — Inaresto ang kapatid na lalaki ni dating Colombian President Alvaro Uribe nitong Lunes sa alegasyong sangkot siya sa mga pagpatay at forced disappearance habang tumutulong sa pagbuo ng far-right death squad noong 1990s.

Matagal nang itinatanggi ni Santiago Uribe na may kinalaman siya sa mga pamamaslang ng dating police captain sa grupong “12 Apostles.” Ito diumano ang nagplano sa ilan dosenang pagpatay sa rancho ng pamilya Uribe sa hilagang estado ng Antioquia.

Dinampot si Uribe sa Medellin at kinasuhan ng murder at conspiracy.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina