ANNE copy

AMINADO si Anne Curtis na bilib na bilib siya sa contestants ng I Love OPM dahil ang gagaling magsalita ng Tagalog at kumanta ng OPM. Siya raw kasi ay bumilang muna ng tatlong taong pananatili sa Pilipinas bago natutong magsalita ng Tagalog.

“Pero hindi pa nawawala ‘yung Australian accent kaya in three years time, talagang everyday teleserye ‘yun, kasi kailangan diretso ang Tagalog ko. Pero bago ako nagteleserye, nag-extra muna ako sa movie nina Ate Angelu (de Leon),” kuwento ni Anne sa press launch ng kanyang bagong TV show.

Tawa naman nang tawa ang TV host/actress sa tanong ni Manay Ethel Ramos kung ano ang masasabi ng “himmigration officers” na sina Martin Nievera at Lani Misalucha na hindi naman talaga singer pero ngayon ay certified singer na dahil may album na at nakailang concerts na pawang jampacked.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Ha-ha-ha, ako ba ‘yun?” tumatawang tanong ni Anne kay Manay Ethel.

At ang sagot ni Lani sa tanong ng Dean of Entertainment Writers, “Honestly po, nakita ko naman talaga ‘yung improvement niya. Para sa akin kasi hindi naman ‘yung gaano kahusay, pero ‘yung proseso bago mo marating ‘yung ganu’n kaya bilib ako sa kanya kasi talaga namang nagpilit siya, nag-aral siya in a good way, nag-effort po talaga, she worked so hard at talagang gusto niya talagang matutunan. Iyon ang mas matimbang talaga para sa akin.

“But I want to say na talagang nag-improve talaga siya, sa totoo lang. At nakakatawa kasi bago kami mag-start (ng taping ng I Love OPM), talagang nagsasampol ‘yan, kumakanta siya at hinihiyawan naman talaga siya. At ‘yung mga sampol niya hindi biro talagang (matataas ang tono).”

Napakaganda ng mga ngiti ni Anne habang pinupuri siya ng Asia’s Nightingale.

Ang komento naman ni Martin: “Anne Curtis and to all the singers in this country, she has more passion, she has more honesty because she doesn’t claimed to be Barbra Streisand, Celine Dion or Lani Misalucha. Anne Curtis is one singer who I think knows the truth of her talent as a singer, but she has more drive, more passion than a lot of singers in this country. In fact, she has more than a lot, so we should learned from Anne’s passion, we should never loose that passion.”

At nag-throwback pa si Martin, na nang magkaroon daw ng show si Anne sa ibang bansa ay talagang lumapit sa sound engineer at nagpakilala at sinabing show niya iyon at siya ‘yung nasa poster, pero hindi raw siya marunong kumanta.

“She told to the sound engineer that, ‘I’m not a good singer.’ Kaya panay daw ang senyas ng concert king sa dalaga na tigilan na niya ang sinasabi niya.

“Kaya tumakbo ako sa sound booth and I told them that ‘she’s (Anne) really a big star in the Philippines, but she claims that she’s not a good singer, so, that’s her. See what I’m saying, no one beat that saying at the beginning of a sound check. Kaya Anne Curtis, ikaw lang!”

Nagpasalamat si Anne kay Martin sa magagandang sinabi tungkol sa kanya kaya ang sigaw ng “himmigration officers” sa TV host na nagpipilit na maging singer, “approved.” (Reggee Bonoan)