SAN NICOLAS, Pangasinan – Itinakda ngayong Marso hanggang sa Abril ang limang araw na pork holiday bilang protesta ng mga magsasaka laban sa gobyerno.
Ito ang inihayag kahapon ni Engr. Rosendo So, chairman ng Abono Party-list, dahil hindi pa nilalagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang panukalang ipinasa ng Kongreso at Senado laban sa agriculture smuggling.
Aniya, dapat lang na maprotektahan ang mga magsasaka para kumita habang ang mga sangkot naman sa smuggling ay gawaran ng karampatang parusa, na itinatakda ng nasabing panukala.
“We hope na itong Bill sa Congress at Senate ay mapirmahan ng Presidente para maging batas,” ani So.
(Liezle Basa Iñigo)