Umaabot na sa halos 10 milyon ang official ballot na naimprenta ng Commission on Elections (Comelec) para sa eleksiyon sa Mayo 9.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, hanggang 10:30 ng umaga nitong Sabado ay nakapag-imprenta na ang National Printing Office (NPO) ng 9,904,653 official ballot.
Kabilang sa mga balotang unang iniimprenta ng Comelec ay ang gagamitin para sa overseas absentee voting (OAV), local absentee voting (LAV), gayundin ang mga balotang kinakailangan pang ibiyahe sa malalayong lugar.
Ang OAV ay sisimulan sa Abril 9 at magtatagal hanggang Mayo 9.
Samantala, idaraos naman ang LAV sa Abril 27, 28, at 29.
Mahigit 56 na milyong balota ang nakatakdang iimprenta ng Comelec para sa halalan, at target na makumpleto ang pag-iimprenta sa Abril 25. (Mary Ann Santiago)