Ni Ador Saluta

Pokwang at MelaiKAHIT biglaan ang pagpapalabas ng We Will Survive, na pagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros, sinisiguro ng kanilang direktor na si Jeffrey Jeturian at ng production staff na bonggang-bonggang ang kanilang serye.

Ito ang ipapalit sa nagtapos nang Pasion de Amor, bago mag-TV Patrol, simula ngayong gabi.

“Pinaghandaan naman ‘yung bawat istorya, ‘yung bawat  karakter, talagang marami pong nakaka-relate. Kung dati, eh, kailangan naming mag-taping every other day, ngayon po kailangan naming mag-everyday para marami po kaming maibigay sa inyo na mas magandang aabangan,” sabi ni Pokwang.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Magiging backdrop ng serye ang kahanga-hangang Mayon Volcano at Cagsawa ruins sa Albay at marami pang iba’t ibang magagandang lugar sa Bicol ang ngayon lamang maipapakita sa telebisyon.

“Parang sinyuting abroad, ang ganda ng tanawin,” paglalarawan ng isang malusog na writer ng We Will Survive.

Bukod sa ganda ng location, napakaganda rin ng tambalan nina Pokwang at Melai.

“Matagal nang may alok na project na ang makakasama ko ay si Melai kaya lang po kasi hindi kami nagtatagpo ng schedule, kasi nga meron din akong ginagawa. Meron kaming Nathaniel dati, so hindi kami magtagpo. At saka alam ko na meron po talagang project na nakahanda na magkasama kaming dalawa,” paglilinaw ni Pokie.

“No’ng una ko siyang makasama, siyempre exciting ‘yun kasi ‘yung pagsamahin mo kaming dalawa, eh, ‘di mas bongga at marami kaming maibibigay na saya , di po ba? Walang problema sa amin, trabaho,” aniya.

Ano ang kuwento ng We Will Survive?

“Istorya po ito ng pagkakaibigan, tayu-tayo, bawat isa sa atin mayro’n  tayong tini-treasure na kaibigan, kasi ‘yan ‘yung mga kaibigan na maaasahan mo sa lungkot, sa saya, hindi lang pangmateryal na bagay o anuman ‘yung kailangan nila, andidiyan sila para sa ‘yo.

“Kuwento natin ‘to, tayong mga Pilipino, kasi kahit anong hirap ang pinagdadaanan natin sa buhay talagang nasu-survive natin ‘yan. Kaya kami, may pinagdadaanan kami, may kanya-kanya kaming kuwento, pero na-survive namin ‘yun dahil magkakasama kami, magkakaibigan...” paliwanag ni Pokie.