Ni GENALYN D. KABILING

Umaasa ang Malacañang na tutupad ang mga kinauukulang partido sa magiging desisyon ng tribunal ng United Nations sa kasong inihain ng Pilipinas laban sa pag-angkin ng China sa South China Sea o West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr., ang pagtalima sa magiging pasya ng korte ay makatutulong sa pagsusulong ng kaayusan at kapayapaan sa rehiyon, partikular na sa freedom of navigation.

Ito ang naging pahayag ni Coloma matapos mapaulat na naniniwala ang isang think tank sa Amerika na papaboran ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang Pilipinas sa territorial dispute.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Ayon kay Gregory Poling, director ng Asia Maritime Transparency Initiative, malaki ang posibilidad na magdesisyon ang korte laban sa nine-dash line ng China na ginagamit nito sa pag-angkin sa halos buong South China Sea.

Una nang sinabi ng China na hindi ito saklaw ng magiging desisyon ng arbitration court dahil hindi naman nakibahagi ang Beijing sa proceedings.

Pormal na iprinotesta sa UN ang ilegal na pag-angkin ng China sa mga isla sa South China Sea, inaasahan ng gobyerno ng Pilipinas na ibababa na ang desisyon ng tribunal sa Mayo ngayong taon.