Kinilala ang Pilipinang si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach bilang opisyal na HIV Prevention Ambassador sa New York sa Amerika, kamakailan.

“I learned so much today and I hope to share my knowledge with you! Let’s stop the stigma!” sinabi ni Wurtzbach matapos niyang tanggapin ang kanyang sertipikasyon mula kina Aid for AIDS (AFA) Founder Jesus Aguais at Dr. Jaime Valencia, director of operations.

Sinabi naman ni Aguais kay Wurtzbach: “We have no doubts you will do a great job. Thanks, Pia and the Miss Universe Organization. May this long lasting relationship continue yielding amazing results. We keep raising awareness about HIV/AIDS and Human Rights.”

Si Wurtzbach ang ikaanim na Miss Universe na ginawaran ng nasabing titulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We hope that this experience helps Pia acquire a broader perspective so she can empower millions of people, especially the youth,” dagdag pa ni Aguais.

Itinatag noong 1998, ang Aid for AIDS ay isang non-profit organization na nagsusulong sa kapakanan ng mga komunidad na lantad sa panganib ng HIV, sa pamamagitan ng access sa gamutan, adbokasiya, edukasyon, at pagsasanay sa New York. - Robert R. Requintina