COLUMBIA, S.C. – Tinalo ni Hillary Clinton ang kanyang karibal na si Bernie Sanders sa South Carolina nitong Sabado, ang ikalawa niyang decisive win sa loob ng isang linggo, ilang araw bago ang Super Tuesday.
“Tomorrow, this campaign goes national,” sinabi ni Clinton sa harap ng naghihiyawang crowd sa volleyball court sa University of South Carolina.
Pawang patutsada sa Republican presidential frontrunner na si Donald Trump ang malaking bahagi ng talumpati ni Clinton. “We don’t need to make America great again. America never stopped being great,” aniya. “Instead of building walls, we need to be tearing down barriers.”
Ginamit din ng dating First Lady ang Scripture at nanawagan ng “love and kindness”, na malinaw na taliwas sa imahe ng palabang si Trump.
Kaugnay nito, ikinumpara ng dalawang dating presidente ng Mexico, sina Felipe Calderon at Vicente Fox, ang anila’y “racist” na si Trump sa German Nazi leader na si Adolf Hitler. - AP, Reuters