Aabot sa 50 bahay ang naabo makaraang masunog ang isang residential area sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Manila Fire Department, dakong 1:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay umano ng isang Jerry, sa Barangay 129, Balut area sa Tondo.

Mabilis na umabot sa ikatlong alarma ang sunog pagsapit ng 1:37 ng umaga dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Naideklarang under control ang sunog dakong 2:55 ng umaga at tuluyang naapula bandang 5:00 ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Lumilitaw sa paunang imbestigasyon na posibleng nag-ugat ang sunog sa faulty electrical wiring, ngunit may mga residente namang nagsasabi na bago sumiklab ang apoy ay may narinig silang malakas na pagsabog, ngunit iniimbestigahan pa ito ng awtoridad.

Nagkakahalaga ng P2 milyon ang ari-ariang natupok at nasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan, at pansamantalang tumutuloy ngayon sa mga itinakdang evacuation center. (Mary Ann Santiago)