TOKYO (AP) – Tatlong dating Japanese utility executive ang pormal na kinasuhan kahapon ng pagpapabaya sa Fukushima nuclear disaster ang mga una mula sa kumpanya na haharap sa criminal court.

Inakusahan ng grupo ng limang abogado ng korte si Tsunehisa Katsumata, chairman ng Tokyo Electric Power Co. sa panahong nangyari ang krisis, at dalawa pang TEPCO executive, ng professional negligence.

Nasira ang tatlong reactor ng Fukushima Dai-ichi plant sa lindol at tsunami noong Marso 2011 at nagkaroon ng mga meltdown, na nagbunsod ng malawakang radiation leak na nagpuwersa sa paglikas ng libu-libong katao.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina