LOS ANGELES (AFP) – Sumakabilang-buhay na si Tony Burton, sumikat bilang boxing trainer na si Tony “Duke” Evers sa lahat ng anim na Rocky film, nitong Huwebes sa edad na 78.

Si Sylvester Stallone ang namuno sa tribute nang ipahayag ng mga kamag-anak ni Burton ang kanyang pagpanaw sa isang ospital sa southern California dahil sa pneumonia.

Si Burton, na nanirahan sa California sa loob ng 30 taon, ay gumanap din bilang trainer ni Apollo Creed, ang antagonist ng unang dalawang Rocky film.

“Tony Burton who played the character of Duke brilliantly in all six Rocky movies… Rest in peace,” pahayag ni Stallone sa Instagram, kalakip ang isang larawan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Sad news. RIP Tony Burton. His intensity and talent helped make the Rocky movies successful,” tweet ni Carlo Weathers.

Ayon sa nakababatang kapatid ni Burton na si Loretta “Peaches” Kelley, makailang beses nagpabalik-balik sa ospital si Burtin nitong nakaraang taon.

Dahil sa kanyang karamdaman ay hindi na siya napapanood sa Rocky spin-off Creed, na nagbigay ng Oscar nomination kay Stallone.

“There’s a scene in the restaurant of that movie where his picture is on the wall,” pahayag ni Kelley sa MLive.

Si Burton ay nagtapos ng high school sa Flint noong 1955, naging football and baseball athlete at nanalo ng dalawang Flint “Golden Gloves” light heavyweight titles noong 1950s.

Bukod sa Rocky films, napanood din si Burton sa psychological horror ni Stanley Kubrick na The Shining; sa action thriller ni John Carpenter na Assault on Precinct 13; at sa Stir Crazy ni Sydney Poitier.