LEGAZPI CITY - Binigyan kamakailan ng Spain ang Albay ng isa pang water filtration machine para magamit sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad at walang malinis na tubig.

Ipinadaan sa Agencia Española de Cooperación Internacional para el Desarrollo (AECID), pangatlo na ang

naturang water filtration machine na ibinigay ng Spain sa Albay simula nang pagtibayin ng dalawa ang “partnership in disaster risk reduction (DRR)” ng mga ito noong 2007.

Nagkakaloob din ang AECID ng mga evacuation center, na ginagamit din bilang mga silid-aralan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ikinasiya naman ni Albay Gov. Joey Salceda ang balita tungkol sa bagong ayuda, at sinabing nagtutulungan din ang lalawigan at AECID sa pagpapalaganap ng mabisang DRR strategy sa iba pang mga probinsiya sa bansa.

Lima sa 11 evacuation center na itinatag sa Albay at ginagamit ding classrooms ang pinondohan ng gobyerno ng Spain.

Ilang beses nang napatunayan ng Water and Sanitation (WATSAN) Unit ng lalawigan ang kahalagahan ng mga water filtration machine sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, na karaniwan nang nawawalan ng access sa malinis na inuming tubig.

Iginawad kamakailan sa Team Albay ang ikatlo nitong Galing Pook Award, na nakapagsagawa na ng 13 humanitarian mission mula 2008 hanggang 2014, at nakapagsilbi na sa 103,642 pamilya.