Iginiit sa gobyerno ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na ibalik sa mga motorista ang ibinayad sa bagong plaka ng sasakyan at stickers, na noon pang 2014 binayaran ang milyun-milyong may-ari ng sasakyan.

Sinabi ni PISTON National President George San Mateo na panahon na para i-refund ng Land Transportation Office (LTO) ang ibinayad ng mga car owner para sa mga bagong plaka, na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naibibigay ng ahensiya.

Naniniwala si San Mateo na hindi na maiisyuhan ng bagong plaka ang mga dati nang nagmamay-ari ng sasakyan dahil dumarami pa ang backlog ng ahensiya sa car plates taun-taon.

Aniya, 2012 pa lang ay mahigit na sa dalawang milyong plaka ang backlog ng LTO, mula sa regular plates, special plates, diplomat plates at iba pa, na nadadagdagan pa ng milyon sa kada taon na dumarami ang bagong sasakyan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

(Jun Fabon)