TOKYO (AP) - Bumababa ang populasyon ng Japan.

Ito ang resulta ng 2015 census na inilabas nitong Biyernes na nagpapakitang bumaba ang populasyon ng 947,000 katao sa nakalipas na limang taon, ang unang pagbaba simula noong 1920.

Ang populasyon ng Japan ay nasa 127.1 milyon nitong taglagas, bumaba ng 0.7 porsiyento mula sa 128.1 milyon noong 2010. Isinasagawa ang census kada limang taon.

Nababahala ang gobyerno sa ipinakikita ng projection na maaaring bumilis ang pagkaunti ng populasyon sa mga susunod na dekada.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture