ISA sa nakakuha ng maraming nominasyon sa 32nd PMPC Star Awards for Movies, gaganapin ang awarding rites sa March 6 sa Newport Performing Arts Theatre sa Pasay, ang Honor Thy Father (Reality Entertainment) na naging kontrobersiyal ang disqualification sa Metro Manila Film Festival.
Bukod sa Movie of the Year at Best Movie Director (Erik Matti), nominado rin ang Honor Thy Father sa halos lahat ng technical categories. Siyempre, kasama rin sa mga nominado ang mga nagsiganap sa pelikula na sina John Lloyd Cruz (Best Actor), Meryll Soriano (Best Actress), Tirso Cruz III at Dan Fernandez (Best Supporting Actor), at ang batang si Krystal Brimmer na naminado naman bilang Child Performer of the Year.
Mapapalaban uli si John Lloyd kay Jericho Rosales (Walang Forever) na tumalo sa kanya sa nakaraang MMFF.
Narito ang iba pang mga nominado:
Magkakatunggali sa Movie of the Year ang A Second Chance (Star Cinema), Crazy Beautiful You (Star Cinema), Etiquette For Mistresses (Star Cinema), Felix Manalo (Viva Films), Heneral Luna (Artikulo Uno Productions), Honor Thy Father (Reality Entertainment), The Love Affair (Star Cinema) at Walang Forever (Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films, and Buchi Boy Films).
Sa Movie Director of the Year, nominado sina Mae Czarina Cruz-Alviar (Crazy Beautiful You), Cathy Garcia Molina (A Second Chance), Joel Lamangan (Felix Manalo), Erik Matti (Honor Thy Father), Nuel Naval (The Love Affair), Chito Roño (Etiquette For Mistresses), Jerrold Tarog (Heneral Luna), at Dan Villegas (Walang Forever).
Makakalaban nina Jericho Rosales at John Lloyd Cruz sina John Arcilla (Heneral Luna), JM de Guzman (Tandem), Richard Gomez (The Love Affair), Daniel Padilla (Crazy Beautiful You), Piolo Pascual (Silong), at Dennis Trillo (Felix Manalo).
Nominado para sa Movie Actress of the Year sina Meryll Soriano (Honor Thy Father), Bea Alonzo (A Second Chance), Nora Aunor (Taklub), Iza Calzado (Etiquette for Mistresses), Sarah Geronimo (The Break-Up Playlist), Rhian Ramos (Silong), LJ Reyes (Anino Sa Likod ng Buwan) at Dawn Zulueta (The Love Affair).
Makakalaban naman for Best Supporting Actor nina Tirso Cruz III at Dan Fernandez ng Honor Thy Father sina Gerald Anderson (Everyday I Love You), Nonie Buencamino (Heneral Luna), Mon Confiado (Heneral Luna), Anthony Falcon (Anino Sa Likod ng Buwan), at Buboy Villar (Old Skool).
Magkakatunggali naman sa Best Supporting Actress sina Shamaine Buencamino (Bambanti), Alessandra de Rossi (Kid Kulafu), Mylene Dizon (Heneral Luna), Bela Padilla (Felix Manalo), Rochelle Pangilinan (Tandem), Pilar Pilapil (Etiquette for Mistresses) at Lorna Tolentino (Crazy Beautiful You).(JIMI ESCALA)