LANGKAWI, Malaysia – Napanatili ni Pinoy rider Marcelo Felipe ang tangan sa ika-12 puwesto sa overall general classification, sa kabila nang matamlay na pagtatapos sa Stage Three ng Le Tour de Langkawi kahapon dito.
Nakasama si Felipe, Asian best rider sa unang dalawang stage ng karera, sa 91-man first group na rumatsada sa kabuuanng 107.2-kilometer stage mula Kulim hanggang Kuala Sangsar.
Subalit, naging mahirap para sa Pinoy na mabasag ang lead group sa kalagitnaan ng karera, sapat para mapabilang siya sa 33-man group na tumapos sa finish line na tinampukan ni American John Murphy ng United Healthcare Pro Cycling Team sa tiyempong oras, 30 minuto at 31 segundo.
Nabitiwan din ng 7-Eleven Sava RBP rider ang tangan sa Best Asian Rider jersey, nang umarya sa ikalimang puwesto sa individual general classification si Chinese Meiyin Wang ng Hengxiang Cycling Team.
Nakuh rin ni Wang ang pansamantalang pangunguna sa King of the Mountain race.
Lalarga ang Stage Four -- 129.4km ride mula Ipoh hanggang Cameron Highlands.